Ako lang ba ang naiirita sa bae na yan?

Crush feels 101: In denial stage.

May mga tao talagang ang mahilig mag deny pero halatang halata naman.

"Uy crush mo siya noh?" 

"Hindi ha!!!!!"

Dalawa lang yan. It’s either ayaw mo lang ma-asar ng tropa mo kaya sinasabi mong hindi or ayaw mo na siyang maging crush so pinipilit mo mawala ang nararamdaman mo para sa kanya at feeling mo naman sa pag-dedeny mo, unti-unting mawawala ang nararamdaman mo para kay crushie.

May mga pagkakataon na niloloko mo lang ang sarili mo. Palagi mong sinasabi sa sarili mo na “Ayaw ko na, hindi ko na siya crush." Pero sa sandali na makita mo ulit siya, BOOM! Ano? Nasaan na ang sinasabi mong hindi mo na siya crush?

Hindi mo naman din kasi masisisi ang sarili mo eh. Mahirap pigilan ang nakasanayan. Ang sarap kasi sa feeling na may hahanap-hanapin ka. Yung tipong makita mo lang siya, buo na araw mo. Yung tipong nakipag-apir lang siya sayo, sobrang magical na kasi feel mo nag holding hands kayo ng 0.34298 seconds. Yung tipong kahit maliit na bagay galing sa kanya, iniingatan at tinatago mo. Yung tipong bago ka matulog, siya ang laman ng isipan mo at sa pag-gising mo, siya pa rin. Hihi malandi ka.

O ano, may pumasok ba sa isipan mo habang binabasa mo ‘to? Kung oo, malandi ka at normal lang yan.

Malapit na ba matapos ang relasyon niyo?

Malalaman mo naman na matatapos na ang relasyon niyo kapag hindi na kayo katulad ng dati. Yung tipong mas marami pa ang away niyo kesa sa bati. Nagagawa niyo pang tiisin ang isa’t isa. Yung wala ka ng pakialam kung di ka na niya tinetext, chinachat o tinatawagan.

Kawawa dito yung sobrang nagmamahal. Hindi naman makakawawa dito yung na fall out of love. Dumating na kasi sa point na nawala na ang pag-ibig niya para sayo.

Kapag nakakahalata ka na, kung kaya mong ayusin, ayusin mo. Wag yung inuuna mo yung pride. Tandaan mo, pwede siyang mawala. Pero yung pride mo? Hindi naman yan mawawala eh. 

Hindi ako makakapag-payo kung anong pwede mong gawin para maayos yan. Kayo naman kasi ang nasa relasyon. Kayo lang ang may alam ng istorya niyo sa isa’t isa. Gawin mo yung sinasabi ng puso mo. Kapag alam mong tama ito, gawin mo. Pero kapag wala pa rin nangyayari, ihanda mo na ang sarili mo na pwede na siyang mawala sa piling mo.

Huwag mo mashadong damdamin ito. Parte naman ito ng buhay pag-ibig diba? Hindi naman kasi lahat ng relasyon ay parang fairy tale na may happy ending. Kapag nagmahal ka, paniguradong masasaktan ka din. Nagmahal ka at nasaktan ka para matuto. Para sa susunod na relasyon na papasukan mo, alam mo na ang dapat at hindi dapat gawin.  

Tips para sa may mga shotabels:

  • Nanlalamig mahal mo? Sunugin mo.
  • Manhid ang mahal mo? Sabihin mo sa kanya kung pwede mong hiramin ang puso niya para pang hilod. Bato eh.
  • Ni recycle ni bestfriend ang ex mo? Sabihin mo kay BFF na "Sinuka ko na nga, kinain mo pa. Patay gutom lang?" 
  • Iniwan ka ng walang dahilan? Magpa-ganda ka at ipa-realize mo sa kanya ang salitang sayang.
  • Nakita mong may bago na ang ex mo? Tawanan mo kung mas panget sayo ang ipinalit. Kung mas maganda sayo, bombahin mo na ‘teh.

20 tips para dumamoves kay crush:

  1. Ihulog mo lahat ng gamit niya. At kapag nainis na siya, sabihin mong “Lahat na kasi nahuhulog. Pwede ikaw rin, mahulog sa akin?”
  2. Yayain mo siyang makipag arm wrestling. Arm wrestling lang ba talaga habol mo o sadyang makipag holding hands lang?
  3. Mag simba ka kasama siya. Para kung Ama Namin na, instant holding hands na.
  4. Kapag nanunuod kayo ng movie at magkatabi kayo, hawakan mo yung kamay niya at sabihin, “Ay sorry! Akala ko yung popcorn.”
  5. Kapag tatawid kayo, chance mo ‘tong mahawakan ang kamay niya kahit sandali lang.
  6. Pumunta kang mall kasama siya. Mag window shopping kayo at mag-tuturo ka. Kapag nainis na siya sabay nasabi niya na “Ang dami mo namang gusto!” sagutin mo ito ng “Bakit, selos ka?”
  7. Tignan mo yung relo mo tapos tingin ka sa kanya. Sabihin mo, “Ako lang ba yun o tumitigil talaga ang oras pag kasama kita?”
  8. Dumaan kayo sa simbahan tapos pumasok kayo sa loob. Kapag tinanong niya kung bakit, sabihin mo practice para sa kasal niyo.
  9. Bigyan mo siya ng Century Tuna. Kapag tinanong niya kung bakit, sabihin mo, “Para ka kasing Omega 8. You’re good for my heart.”
  10. Kapag wala kang regalo, ikiss mo sya bigla. Tapos sabihin mo, “Kung ayaw mo, ibalik mo na lang.”
  11. Itext mo ang crush mo at sabihing, “Nastranded ako!” Tapos kapag tinanong niya kung saan, sabihin mo, “Sa puso mo.”
  12. Tanungin mo kung gaano kalaki ang palad niya. Sabay ipatong mo din yung sayo para masukat ito. Oh diba, holding hands na naman.
  13. Kapag kaklase mo siya, mag tanong tanong ka tungkol sa mga assignments. Hanggang sa mawala na usapan niyo ang assignments, ikaw na mag bigay ng mapag uusapan. Instant textmates na!
  14. Manghiram ka ng ballpen sa kanya. Tapos kapag hindi niya ‘to hinanap, remembrance na yun pare.
  15. Bigyan mo siya ng salamin sabay mag iwan ka ng maliit na note dun. “Dito mo makikita ang pinakamagandang babae sa mundo.
  16. Kapag may problema o malungkot siya, siguraduhin mong ikaw palagi ang nasa tabi niya sa mga oras na yun.
  17. Hanggang sa maari, ihatid mo siya sa bahay niya dahil mararamdaman niya dito na ayaw mong may mangyaring masama sa kanya.
  18. Kunwari may dumi sa balikat niya. Alisin mo ito at bagalan mo. Para kahit papaano, na-akbayan mo siya.
  19. Matisod ka sa harapan niya sabay sabihin mong “See how I fall for you?”
  20. Bilhan mo siya ng drink. At yung straw na hinigupan niya, dito ka rin uminom. INDIRECT KISS! WOHOOO!
I like you. Ang witty mo kase 'tas parang ambilis mo mag-isip ng jokes and stuff. Grabe naiinlove ako pero alam ko rin namang hindi mo 'ko mapapansin. Isa lang naman akong follower mo rito na namamangha sa'yo, grabe ang galing mo Ms. Steph. :) -J

reveal yourself :)

4 April 1 Anonymous Permalink
Kung sa uste ka magaaral, anong course mo? :)

Marketing teehee

3 April Anonymous Permalink

Mashadong kumplikado. May masasaktan.

Boyce Avenue - A Thousand Years (cover)

About Time (2013)

About Time (2013)

Bagay tayo

Ang bagay, nag-gagamitan. Tao tayo. Taong nagmamahalan. Charot.

3 April 2 Anonymous Permalink

Loading more posts

Half Chinese, Half New Year.

Dating banatera101 at banatera202. Yiee, umasa kayo sa banatera303 noh?

Stephy Javier. Paulinian. Penguin in the making. Volleyball. Paranaque.

Other accounts:
Twitter: @javierstephy
FB: /javierstephy
Instagram: javierstephy

Blogging since March 15 2010

free counters
Free counters

 Penguins

Humor - Top Blogs Philippines

Since March 2011, this blog has


Wag tularan, dakilang tanga. Submit